CLICK HERE FOR THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

Saturday, July 29, 2006

Doppelganger

1. binigay daw ng nanay ko sa stuff toy yung bote ng gatas na ayokong ubusin. ito ay para maiinggit ako. hindi ko daw pinapansin, dedma. natulog daw ang nanay ko. pagkagising niya, nakita nya daw akong nilulunod yung stuff toy habang nakangiti.

2. close kami ng tatay ko noon. lagi kaming tabing matulog, at hindi ako makakatulog pag wala siya. kaso kelangan nyang umalis ng tatlong araw. pagdating niya, nawawala na kumot niya (tinago ko sa cabinet ko), at madumi na ang mga unan nya.

3. kinukurot ko lagi ang seatmates ko ng grade 1 at grade 3. medyo masaya ako pag umiiyak sila. dahilan bakit ko sila kinukurot? wala lang, sumasaya ako. (pero hindi ko pinaiyak at kinurot yung seatmate ko nung grade 2. bakit? kasi lalaki sya. at gwapo. at crush ko siya.)

4. gumawa ako ng krimen na may pagkakahawig sa #1 at #2 ngayong umaga. pero hindi ko na ibubunyag kung pa'no, ano, saan,sino. hindi ako nagsisisi. nangingiti ako pag naaalala ko. masama na kung masama.


sa mga mahilig manadya:
sige lang, ulit-ulitin mo.
hindi ko ipapakitang apektado ako dahil alam kong matutuwa ka.
pero ingat lang
baka hindi mo alam kung sino tumira sayo
kasama mo pala sa ilalim ng iisang bubong.

2 comments:

Anonymous said...

napakaganda. magaling kang magsulat. ibang klase. Tumama sa likuran ko.

oh tagalog din to!!!!

Unknown said...

one of the BEST filipino pieces i have ever read.

obvious ba, lagi ko kinekwento kung kani-kanino? HAHA!!!

-master